Sabado, Hunyo 16, 2018

Gingoog City Comprehensive National High School

GCCNHS


Filipino sa Piling Larangan Tech-voc
Asignatura


Ms. Chiara Sumastre Apolinar
Guro


Pangkat Ika-Anim

Mga Kasapi ng Pangkat:

SESALDO , JOSEPH BAYON-ON 
(Blog Creater & Author )
SAJOT , ROGELIO JR. LACUAREN
(Author )
REGATUNA JR., ANTONIO BAIR
(Author )
TUBA , JOHN VINCENT RAÑOA
(Author )
VALCORZA , VIA PADALADAT
(Author )
ZARATE , ANGEL VALLENDE
(Author )
SIGLOS , RHEA FEB ELARDO
(Author )
TIMBAL , MARIANE INCISO
(Author )
SARA , JEMAR BABIA
(Author )
Jeve Angelie L Cumawas
(Author )

Grade 12 Perseus




Mga Paksang Tinatalakay :

* Katangian ng Pangulo ng  Pilipinas

*Panbansang Proyekto ng Pilipinas

* Karapatan ng mga Hayop

*Torismo sa Bansa

*Sk Federation

*HIV sa Bansa






“Piliin mo rin ang Pilipinas"
-Angel Zarate


“Piliin mo rin ang Pilipinas, kapuluang  kwintas ng perlas, piliin mo yakapin mo kayamanan nyang likas piliin mo ang Pilipinas”,talagang tunay na maipagmamalaki ang bansang Pilipinas. Ano nga ba ibat-ibang nilalaman ng bansang Pilipinas? Bakit nga ba ito lubos na dinarayo na halos dito na nga naninirahan ang mga banyaga. Ngunit bakit sa kabila ng lahat ng ito , bakit nahuhuli parin ang Pilipinas ayon sa mga ulat? Talagang makikita na napag-iiwan na tayo ng ating karatig na bansa sa South-East Asia. Kaya hanngang ngayon ginagawa lahat ng Department of Tourism para mapalawig ang turismo sa ating bansa at mapataas ang ekonomiya nito.

           Napakalaking bagay ang mga naiiambag ng turismo sa isang bansa. Sapagkat ang kanilang ginastos o ibinibili ang siyang nagpapalakas sa ekonomiya ng isang bansa. Katulad na nga lang ng bansang Pilipinas,madalas itong dinarayo,sapagkat ang ating bansa ay biniyayaan ng mga likas yaman na siyang nakakahalina sa mga turista. Ang mga dayuhang bisita rin ang syang nagiging dahilan kung bakit nafi-feature sa mga Discovery Channel ang ating mga tanawin para sa mas malawakang esksposyur. Isa rin sa dahilan kung bakit binabalik-balikan ang ating bansa ay dahil sa pagiging “hospitable”o pagiging maalaga nating mga Pilipino, mga pagkaing hindi malilimutan katulad ng “balot”,”adobo”,at maraming pang iba,maging ang mga “exotic adventures”,”white sands”,at ang pagiging mayaman natin sa ibat-ibang kultura ng bansang Pilipinas. Ganyan natin hinihikayat ang mga banyaga para dayuhin ang ating minamahal na bansa.

      Sa pagdami ng turistang banyaga sa ating bansa,tumaas ang ekonomiya natin,nakakatulong ito sa pagapapagawa ng mga imprakstraktura,pagpapaganda ng ating mga paliparan at mga kalsada. Pati narin  sa mga simpleng tip na binibigay ng mga dayuhan sa ating mga Taxi Driver, Massage Therapist, Tour Guide at iba pa, nakakatulong ito sa kanila ng lubos. Sa pagpapataas ng ating ekonomiya nabibigyan ang ilang Pilipino na magkaroon ng trabaho, kug kaya’t nababawasan ang mahihirap na pamilya. Gayunman, hindi parin ito sapat para mapunan ang lahat ng problema ng ating bansa. Hindi talaga ,madaling trabaho ang pagtutuon nang atensiyon sa pagapataas pa lalo ng turismo ng Pilipinas ,dahil kinakailangan ito ng malawakang pagpaplano para matiyak na maiiangkop ito sa kabuuan ng layunin na mga lokal na pamahalaan.

     “Filipino First Policy” ni dating Pang. Carlo P. Garcia , ang syang dapat ipatupad muli,sapagkat ito ang isa pang proklamasyon na makakatulong sa pagpapataas ng ating ekonomiya. Isa pa ang pagkakaroon ng pangmalawakang programa kagaya nalang ng pagdadaos ng ” Miss Universe” sa Pilipinas dahil dito nagkakaroon ng pagkakataon na mapakita sa buong mundo ang nilalaman ng ating bansa at ang mga ipinagmamalaki ng Pilipinas. Malaki man ang nagagastos sa pagdadaos ng mga programang katulad nito,malaki rin naman ang magiging ambag nito dahil nagkakaroon ng interes ang mga dayuhang turista na makilala ang mga likas yaman  na ipinagmamalaki nating mga Pilipino.

Talagang masasabing maipagmamalaki ang ating bansa. Upang mas mapalago pa ang turismo sa Pilipinas, kinakailangan nating buhaying muli at pagyabungin ang kultura ng ibat-ibang rehiyon sa bansang Pilipinas, katulad ng mga katutubong sayaw ,mga laro na kagaya ng piko, sipa, tumbang preso at iba pa. Siguradong mahihikayat natin ang mga banyagang turista na pumunta sa ating bansa. Alam nating nasa moderno na tayong henerasyon, kayat mahihikayat natin ang mga banyaga na maranasan ang mga tradisyon at kulturang meron tayo. Lubos na makakatulong din ang paggawa ng mga accessories kagaya ng “keychain”,”bracelet”,kwintas,at mga souveniers na pwedeng bilihin ng mga banyaga at pagkakitaan ng mga Pilipino. At ang pagkakaroon ng kapayapaan saating bansa at mahigpit na seguridad. Ang pagkakaroon nito ay mas makakahikayat sa mga banyaga na pumunta saating bansa dahil sila ay tiwala na ligtas saating bansa. Hindi man tayo lubos na makasabay sa mga karatig bansa natin ang mahalaga ay nagkakaisa at nagtutulungan tayo sa patuloy na pag-unlad nang ating mahal na bansa. At ang tanawin naipinagkaloob satin ng ating Panginoon ay dapat na pangalagaan at pagkaingatan, dahil dito sumusimbolo ang  ang pagiging maalaga nating mga Pilipino.



"Ang Magagawa Ko Sa Pagpapaunlad Ng Turismo sa Pilipinas”
-Via Valcorza

( ni Yolanda Panimbaan- Canatan Learning Center) Turismo… mga tanawin na nilikha ng Poong Maykapal. Mga magagandangtanawin at magagandang pasyalan na matatagpuan sa ibat ibang bahagi ng ating bansa. !atulad ng  ng Palawan&Mayong *ol$ano ng %lbay at marami pang iba. !asama rin dito ang ibat ibangselebrasyon& halimbawa rin ang " at marami pang selebrasyon na dinaraos taun-taon dito sa ating bansa. %nu-ano ang magagawa natin upang mapanatiling maganda at kaaya-ayaang ating turismo %no ba ang magandang maidudulot ng turismo sa ating bayan%ng magagawa natin upang mapanatiling maganda at kaaya-aya ang atingturismo ay una panatilihin ang katahimikan o dapat laging may "pea$e and order,dahil kung hindi ligtas ang isang lugar lalo na ang pook-pasyalan ay magulo ang paligid& matatakot na ang mga turistang dadayo sa lugar na walang kaligtasan samga krimen. Pangalawa& kailangan palaging malinis ang kapaligiran nito dahilwalang dadayo sa isang pasyalan na madumi ang paligid. %ng magandangmaidudulot ng turismo sa ating bayan ay mapapaunlad ang ating ekonomiya&magkakaroon ng hanapbuhay ang mga nasa paligid nito. !ung ang isang "touristspot, ay maganda& kaakit-akit at malinis siguradong hindi mawawalan ng turistatapos at kung magugustuhan nila ang isang lugar siguradong babalik at babalik siladahil nabighani sila sa taglay nitong ganda. %ng "tourist spot, o pasyalan aymalaking tulong sa ating mga mamamayan dahil dito kikita at sisikat ang isanglugar lalo na kung tahimik at malinis ito. !aya sa ating turismo dapat ingatan upang ang mag susunod na henerasyonay may maaabutan pa. /ngatan natin kung anu man ang bigay at gawa ng iyosdahil kung ito ay ating sasayangin lang wala tayong mapapala. !ung may pag-iingat& may matatamo at mapapala tayo muli sa !anya. 0uklian natin ng kabutihanang mga kabutihan 1iya sa ating lahat


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento